June 16, 2025

Home BALITA

Romualdez, saludo sa mga amang tulad niya

Romualdez, saludo sa mga amang tulad niya
Photo Courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nagbigay ng mensahe si House Speaker Martin Romualdez para sa mga gaya niya ngayong Father’s Day. 

Sa latest Facebook post ni Romualdez nitong Linggo, Hunyo 15, sinabi niyang ang pagiging tatay umano ay hindi lang tungkol sa pagtugon sa pangangailangan ng pamilya.

“Ang pagiging tatay ay hindi lang tungkol sa pagtatrabaho para tugunan ang pangangailangan, kundi sa pagiging guro, tagapagtanggol, at gabay sa araw-araw na buhay ng ating mga anak,” saad ni Romualdez.

“Tayo ang nagtuturo sa kanila ng sipag, tiwala sa sarili, at pagmamahal sa pamilya,” pagpapatuloy niya. “Tayo rin ang unang nagpapaalala na ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa oras, pagkalinga, at sa mga prinsipyong nais nating itanim sa kanilang puso.”

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Dagdag pa niya, maituturing umanong isang tahimik ngunit dakilang sakripisyo ang pagiging ama; isang habambuhay na misyon ng malasakit at wagas na pagmamahal. 

Kaya naman saludo si Romualdez sa lahat ng tatay na patuloy na nagsisilbing haligi ng kani-kanilang tahanan.