June 15, 2025

Home BALITA

Balik-Eskwela, sasabayan ng deployment ng 37,000 pulis

Balik-Eskwela, sasabayan ng deployment ng 37,000 pulis
Photo courtesy: Manila Bulletin

Aabot sa 37,000 pulis ang nakatakdang i-deploy ng Philippine National Police (PNP) para sa pagbubukas ng mga eskwelahan sa buong bansa sa Lunes, Hunyo 16, 2025.

Nakatakdang ipakalat ang pulisya sa tinatayang 45,974 eskwelahan na binubuo naman ng 38,292 na pampublikong paaralan habang 7,782 naman para sa mga pribadong eskwelahan.

Matatalaga rin ng 5,079 police assistance desk na malapit sa mga eskwelahan. Inaasahan ding magpapatrolya sakay ng mobile patrol ang nasa mahigit 10,000 pulis na siyang mag-iikot sa mga paligid ng paaralan.

Sa panayam ng media kay PNP Chief Nicolas Torre III nitong linggo, Hunyo 15 nais umano nila na walang maitalang anumang banta sa seguridad ng mga estudyante at mga magulang sa pagsisimula ng pasukan.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

“We want to ensure that our children return to school without fear or harm. Our police officers will be in every possible area to provide protection, guidance, and support,” ani Torre.

Dagdag pa niya, “Oplan Balik-Eskwela is not just a deployment plan—it is our expression of commitment to nurture an environment where learning can thrive peacefully. We will continue to stand guard for the Filipino youth, rain or shine.”