June 15, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila
Photo courtesy: Lorie May Dangaton

Hindi lang isa kundi tatlong tagumpay ang ipinagdiwang ng isang pamilya sa Zamboanga Del Norte dahil sa pagtatapos ng identical triplets bilang magna cum laude sa Jose Rizal Memorial State University-Tampilisan Campus, sa Tampilisan, Zamboanga del Norte.

Ang triplets na sina Eva May, Lorie May, at Xennia May Dangaton ay pare-parehong magna cum laude sa degree program na Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management.

Silang tatlo ay 22 taong gulang at tubong Zamboanga Sibugay.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Lorie May, pangalawa sa panganay, sinabi niyang may mga panahon daw na sabay-sabay sila kung mag-aral at mag-review, dahil nasanay na sila rito.

Human-Interest

May dalang himala? Seat no. 11A sa mga eroplano, 'wag raw taasan ng presyo

Pero kung anuman daw ang "kahinaan" ng isa ay "kalakasan" naman ng iba, kaya naman buhay na buhay ang pagtutulungan sa magkakapatid. Sila raw ay "study buddies."

Bukod sa pagiging magna cum laude, ipiangbubunyi rin ng kanilang pamilya ang pagiging kauna-unahang degree holder nila sa pamilya.

Pero kung may hindi raw maganda sa pagiging triplets nila, ito raw ay patungkol sa "privacy" dahil sa madalas na pagkakataon daw, wala silang mailihim sa isa't isa.

Nang matanong si Lorie May kung ano nang plano nilang magkapatid pagkatapos ng graduation, "We have our short term ang long term plan. The short term is to obtain our Civil Service Eligibility and process all the papers for employment."

Para naman daw sa long term plan, "The long term plan we have set for ourselves after graduation is to build our individual careers, work and have a job, and sooner we are thinking to pursue further studies. In God's will."

Triple congratulations sa triplets!