Good vibes pa rin ang hatid ni Klarisse de Guzman matapos ma-evict sa Bahay Ni Kuya nitong Sabado ng gabi, Hunyo 14.
Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition," inanunsiyo ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ang paglabas ni Klarisse at ka-duo niyang si Shuvee Etrata.
BASAHIN: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!
Samantala, sa isang video ng GMA Public Affairs na inupload sa kanilang Facebook page, mapapanood na sinayawan na lang nina Klarisse at Shuvee ang pag-welcome sa kanila sa outside world.
"Wala silang ulam sa loob!" sigaw ni Klang na tumutukoy sa housemates na nasa loob pa ng BNK.
Sa loob ng Bahay ni Kuya, si Klang ang tumayong tagaluto ng pagkain ng mga housemates. Tila nanay na nga rin kung ituring siya ng kapwa housemates.