June 15, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Jun Lana, Vice Ganda sanib-pwersa ulit sa bagong pelikula?

Jun Lana, Vice Ganda sanib-pwersa ulit sa bagong pelikula?
Photo Courtesy: Jun Robles Lana, Vice Ganda (FB)

Tila may niluluto muling bagong pelikula sina award-winning director Jun Robles Lana at Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa X post kasi ni Vice noong Biyernes, Hunyo 13, pinatulan niya ang papuri ng isang netizen patungkol sa movie nila ni Direk Jun na “And The Breadwinner Is…” na kasalukuyang nang mapapanood sa Netflix.

Sabi ng netizen, “[Vi]ce ganda's 'and the breadwinner is' is a masterpiece. sobrang ganda, ang heart-warming ng movie. it feels home.”

“[S]ana makagawa pa si meme ng maraming pelikula tulad nito,” dugtong pa nito.

Pelikula

2 pang grupo, pinalagan Senate bill ni Sen. Robin sa mandato ng MTRCB

Hirit tuloy ni Vice, “Makakaasa ka po. Another Vice Ganda x Jun Lana movie is on [its] way.”

Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Include niyo si klarisse sa movie nakakatawa si klang, shuvee,will & esnyr"

"with pbb big winner klarisse de guzman, trewwww "

"Isama mo si Kokoy meme. Ang galing ng batuhan nyo ng eksena. Ganda ng acreen chemistry nyo."

"Hwoiiii!!! Sandali lang naman, Meme. Bakit biglaan yung pasavogue?! PERO I CANNOT WAIT!"

"Sna mapasama niyo po sa next movie ninyo si Klarisse khit maliit na role lng or siya po kanta ng OST. Love you meme"

"Honestly, maganda yung movie. Hindi perfect pero as a viewer, maeenjoy mo with your family and friends."

Matatandaang naging bahagi ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang naturang pelikula nina Direk Jun at Vice kung saan nakuha ng huli ang “Special Jury Prize” sa ginanap na Gabi ng Parangal.

Bukod dito, nanguna rin daw ito sa listahan ng box-office kahit sa unang araw pa lang ng film festival ayon kay showbiz insider Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, isiniwalat nangungunang pelikula sa 2024 MMFF