June 14, 2025

Home BALITA

FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa
Photo courtesy: via ICC/website, screenshot ICC/YT

Kinumpirma ni Atty. Nicholas Kaufman na opisyal nang naghain ng interim release ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Crime Court (ICC).

Ayon kay Kaufman sinunod daw lahat ni dating Pangulong Duterte ang lahat ng proseso hanggang sa madetine siya sa ICC, kung kaya't maaari siyang humiling ng  pansamantalang paglaya.

“Redacted has affirmed its principled willingness to cooperate with the court, and to accept Mr Duterte onto its territory for the duration of his interim release and enforce conditions of release. It has also affirmed that it will make its prompt observations, should it be invited to do so by the pre-trial chamber,” saad ni Kaufman sa 16 pahinang dokumentong isinumite nila.

Bagama’t may bansang minamatahan na raw ang dating Pangulo kung saan pansamantalang mananatili kung maaprubahan ang kaniyang interim release, iginiit ni Kaufman na hindi raw muna ito maaaring isapubliko.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Samantala, kaugnay naman ng nakabinbin na ngayong interim release ni Duterte, nagpahayag naman ng agam-agam si human rights lawyer Atty. Kristina Conti hinggil sa posibilidad ng pansamantalang paglaya ni Duterte.

“Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalo na nung mabasa ko na hindi raw kokontrahin ng prosecutor ang interim release ni Duterte,” saad ni Conti.

KAUGNAY NA BALITA: Conti, ‘parang binuhusan ng malamig na tubig’ dahil sa diumano’y interim release ni FPRRD

Matatandaang noong Marso 12 pa nananatili sa the detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD