Ipinagtanggol ni House Spokesperson Attty. Princess Abante ang pagbibigay ng tulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa video statement na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 13, sinabi ni Abante na mas gugustuhin pa umano niyang matawag na “tambaloslos” kaysa kawatan.
“Tinawag si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ‘tambaloslos’ dahil sa kaniyang pagtulong sa mga nagugutom, may-sakit, at nawalan ng hanap-buhay.”
Dagdag pa niya, “Kung ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing ng iba na kalokohan, mas gugustuhin na po naming matawag na ‘tambaloslos’ kaysa naman matawag na ‘kawatan’ dahil sa pagnakaw sa kaban ng bayan.”
Ang salitang "tambaloslos," ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang "halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari." Maririnig ito sa pokloriko sa Visayas, Bicol, at Mindanao.
MAKI-BALITA: Netizens, 'curious' sa kahulugan ng Bisaya slang word na 'tambaloslos'
Matatandaang nagsimula itong maiugnay kay Romualdez ang nasabing salita dahil sa makahulugang post ni Vice President Sara Duterte sa Instagram post nito.
MAKI-BALITA: Makahulugang IG post ni VP Sara, usap-usapan