Marami ang naintriga sa viral Instagram post ni Vice President Sara Duterte dahil sa makahulugang caption nito kalakip ang kaniyang larawan.

"Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos," maanghang na parinig ni VP Sara sa 'di pinangalanang tao.

MAKI-BALITA: Makahulugang IG post ni VP Sara, usap-usapan

Ang salitang "tambaloslos," ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang "halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari." Maririnig ito sa pokloriko sa Visayas, Bicol, at Mindanao.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, sa mga Bisaya o Visayan people naman, ang "tambaloslos" ay karaniwang expression lamang na ang ibig sabihin ay "puro ka lang salita" o "puro pagbubunganga lang."

Ang "tambaloslos" ay sinasabi lang umano sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan o sa mga taong hanggang salita lamang.

Ang Cebuano slang word na "tambaloslos" din ay katumbas sa expression gaya ng: "tambaloslos nimo," o "tambaloslos kang daku," na madalas marinig sa 'di pormal na pag-uusap o expression sa kuwentuhang magkakaibigan.

Maaari ding malalim na katumbas umano na kahulugan nito ay "stupid, idiot, or useless."

Binigyang-interpretasyon naman ng netizens kung ano nga ba sa mga nabanggit na pagpapakahulugang ito ang tinutukoy ni VP Sara.

Narito ang kanilang komento:

"Marami ang meaning ng tambaloslos depende po sa pinapatamaan niyan kasi expression po iyan sa mga bisaya. It's the same as "wa kay ayo" o "wala kang kwenta."

"Tambaloslos is walay pulos or walang kwentang tao (useless.)"

"I thought tambaloslos is just another way of saying "walay pulos" (useless)."

"Tambaloslos is Visayan slang word for dimwit. Meaning "stupid". Tambaloslos kang daku."