June 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gary V, ginamit sa pagbebenta ng lunas para maging cancer-free

Gary V, ginamit sa pagbebenta ng lunas para maging cancer-free
Photo courtesy: Gary Valenciano (IG)

Nilinaw ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na peke ang mga lumalabas na advertisement na nagbibigay siya ng testimonya sa isang gamot na lunas daw sa sakit na cancer.

Ginamitan ang nabanggit na patalastas ng "deepfake" kung saan makikitang tila si Gary talaga ang nagsasalita sa video, at maging ang boses ng pagsasalita ay tila ginaya rin.

Mariing itinanggi ni Gary na nag-eendorso siya ng mga lunas para maging cancer-free ang isang pasyente.

"It's as fake as fake can be. Be careful friends!!!! Thank you to all who informed me of this lie," paglilinaw ng singer-performer sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Lani Misalucha, loud and proud sa retokada niyang ilong