June 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!
Photo courtesy: AP via MB

Patay ang halos lahat ng sakay na pasahero ng bumagsak na Air India plane sa Ahmedabad, Huwebes, Hunyo 12.

Sa ulat ng international media outlets, patungong Gatwick Airport sa London ang eroplano subalit ilang minuto lamang ay nag-take off ito at bumagsak sa isang residential area sa western city of Ahmedabad.

Itinuturing umano itong "world's worst aviation disaster in a decade."

Bumagsak ang eroplano at bumangga sa isang medical college hostel sa labas ng paliparan habang oras ng tanghalian.

Internasyonal

Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD

Saad pa sa mga ulat, walang naiulat na nakaligtas at patuloy pang nirerekober ang mga bangkay. Tinatayang nasa 241 ang bilang ng mga pasahero sa nabanggit na eroplano.

Wala pang kumpirmasyon sa mga nasyonalidad ng mga nasawi, subalit ayon sa talla, may 169 Indians, 53 Britons, pitong Portuguese at isang Canadian ang narito.

Samantala, isang pasaherong British national na nagngangalang Vishwash Kumar Ramesh ang kaisa-isang naka-survive sa nabanggit na plane crash.

Hindi pa tiyak kung may Pilipino bang nadamay sa nabanggit na pagbagsak. 

Ito ay isang developing story.