Ikinatuwa ng madlang people ang muling paghaharap ng dating magkarelasyong sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at It's Showtime host Karylle, Miyerkules, Hunyo 11.
Take note, hindi sila nagkabalikan dahil may kaniya-kaniya na silang mga asawa, pero naganap ito sa pagbisita nina Dingdong at Charo Santos-Concio para sa promotion ng pelikula nilang "Only We Know."
"The world is healing" na nga talaga dahil all-smile sina Karylle at Dingdong sa muli nilang paghaharap, matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila noong 2008.
Hindi ba't naging kontrobersiyal pa nga ang pagngiti ni Karylle sa tanong ni Boy Abunda sa kaniya noon sa defunct-showbiz talk show na "The Buzz" tungkol sa namuong relasyon nina Dingdong at leading lady nito sa "MariMar" na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera?
At mukhang wala na ngang samaan ang loob ang dalawa kaya naman happy-happy na ang lahat!
Matatandaang nang bumisita ang DongYan sa It's Showtime para i-promote ang pelikula nilang "Rewind" ay absent din si Karylle dahil daw sa health issues.
MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?
MAKI-BALITA: Karylle may sakit kaya absent sa Showtime; minalisya ng mga intrigera
MAKI-BALITA: Rehearsal o sakit? Vice Ganda ‘nadulas’ kung bakit absent si Karylle