Bahagyang bumigat ang trapiko sa kahabaan ng Barangay Tambo, Parañaque City matapos tamaan ng batong natipak mula sa Skyway ang isang SUV nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Ayon sa mga ulat, wasak ang windshield at hood ng naturang sasakyan matapos mabagsakan ng ilang tipak na bato habang dumadaan sa ilalim ng Skyway.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang masagip ang dalawang sakay ng sasakyan na isang estudyanteng driver. Agad na isinugod sa ospital ang nasabing driver na nagtamo ng sugat sa ulo.
Samantala, patuloy naman ang pag-iinspeksyon ng NAIAX-Skyway maintenance at engineering team sa sanhi ng naturang aksidente.