June 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nakakaput*ng-ina!' John Arcilla, badtrip sa nagtatanga-tangahan

'Nakakaput*ng-ina!' John Arcilla, badtrip sa nagtatanga-tangahan
Photo courtesy: via John Arcilla (FB)

Tila may pinatututsadahan ang award-winning actor na si John Arcilla sa kaniyang latest Facebook post, na bagama't walang tinukoy kung sino o tungkol saan, espekulasyon naman ng mga netizen ay may kinalaman sa naging desisyon ng Senate Impeachment Court sa pagbasa ng Articles of Impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Mababasa sa Facebook post ni Arcilla na tila dismayado siya sa hindi tinukoy na mga tao; ginamit pa niya ang isang malutong na mura na associated sa kaniyang karakter bilang si "Heneral Luna."

"Dumb Dumber Dumberer Dumberest and Dumberestest," aniya.

"Nakakaput*ng ina."

Tsika at Intriga

Gary V, ginamit sa pagbebenta ng lunas para maging cancer-free

"Ang nakaka kilabot merong alam mo na hindi naman talaga TANGA pero nagtatanga-tangahan kasi TANGA at MANGMANG ang tingin nila sa mamamayang Pilipino."

Samantala, narito naman ang mga mababasang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Heneral Luna mode activated! KAPANALIG NIYO KAMI, HENERAL!"

"Kalma lang general may karma din yang mga Yan"

"Yes..prinoprotektahan pinaglalaban nila..nga kakampi nila.. loyal sila sa dun..pero sa taong bayan na nagluklok sa kanila at san sila nanumpa ng tungkulin..ay tela balewala na.."

"Agree..at itong mga artista sa senado..sinisira na ang integrity ng senate, pati industriya at matitinong artists ay nababahiran. How proud can they be?"

"Hindi lang tanga at mangmang ang tingin nila sa mga taong bayan...tingin nila ay bayaran ang mga tao..."

KAUGNAY NA BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?