June 15, 2025

Home BALITA Politics

Hontiveros, 'parang na-gaslight' matapos ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment

Hontiveros, 'parang na-gaslight' matapos ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment
Photo Courtesy: Risa Hontiveros (FB), Screenshot from Senate of the Philippines (YT)

Naghayag ng saloobin si Senator Risa Hontiveros hinggil sa naging hakbang ng Senado sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte noong Martes, Hunyo 10.

Matatandaang 18 senador ang pumabor sa mosyon nina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Bato Dela Rosa na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban sa bise-presidente. Samantala, lima naman ang naghayag ng pagtutol.

MAKI-BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Sa panayam ng media kay Hontiveros, sinabi niyang dismayado umano siya sa nangyari sa Senado.

Politics

Atty. Princess Abante, dinepensahan mga paayuda ni HS Martin Romualdez

“I'm disappointed at the turn of events.Parang may gaslighting na nangyari. Hindi kaya gumamit ng iba't ibang mga salita para malito tayo?” saad ni Hontiveros.

Dagdag pa niya, “Kung ano pa man, tuloy ang laban para sa hustisya. Mayro’n din tayong mga hakbang na nagawa.”

Samantala, tiniyak naman ng House Prosecution Panel na tuloy pa rin umano ang kanilang paglilitis laban sa Bise Presidente matapos ibalik sa kanila ng Senado ang Articles of Impeachment.