June 15, 2025

Home BALITA Politics

Escudero sa 5 senador na dumadakdak: 'Pakibasa po 'yong motion ni Alan'

Escudero sa 5 senador na dumadakdak: 'Pakibasa po 'yong motion ni Alan'
Photo Courtesy: Chiz Escudero, Risa Hontiveros (FB)

Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa limang senador na patuloy na nagsasalita kaugnay sa mosyon nina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Bato Dela Rosa na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isinagawang press conference nitong Miyerkules, Hunyo 11, nilinaw ni Escudero na hindi umano nawalan ng hurisdiksyon ang Senado sa kaso ng Pangalawang Pangulo.

“Walang nagsabing nawalan ng jurisdiction. Pakibasa po ‘yong motion ni Alan. [...] Siguro ‘yon din ang panawagan ko do’n sa limang kasamahan naming dakdak pa rin naman ng dakdak sa dismissal,” saad ni Escudero.

Dagdag pa niya, “Nakalagay do’n, ‘without dismissing, without terminating.’ So, the impeachment court retains its jurisdiction to my mind, that’s why we issued the summons.”

Politics

Atty. Princess Abante, dinepensahan mga paayuda ni HS Martin Romualdez

Matatandaang 18 senador ang pumabor sa mosyon nina Cayetano at Dela Rosa na ibalik sa House of the Representatives ang Articles of Impeachment laban sa bise-presidente. Samantala, lima naman ang naghayag ng pagtutol.

Ngunit tiniyak naman ng House Prosecution Panel na tuloy pa rin umano ang kanilang paglilitis laban sa Bise Presidente.

MAKI-BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?