June 11, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Euleen Castro hindi talaga nasarapan, pero may inihingi ng pasensya sa cafe

Euleen Castro hindi talaga nasarapan, pero may inihingi ng pasensya sa cafe
Photo courtesy: Euleen Castro (YT)/Coffeebreak (IG)

Naglabas ng isang "interview vlog" si Pambansang Yobab Euleen Castro para ilatag at ipaliwanag ang kaniyang panig matapos mabatikos ng mga netizen sa ginawa niyang "bad review" sa isang coffee shop sa Iloilo.

Sa kaniyang YouTube channel, ikinuwento ni Euleen ang lahat; kung paano sila napadpad sa nabanggit na coffee shop hanggang sa naging panlasa nga niya sa mga natikman niyang kape at pagkain dito.

Aniya, pagkatapos nilang manggaling sa isang sinehan ay agad silang naghanap ng isang cafe upang magkape, at wala na raw silang ibang napuntahan kundi ang nabanggit na coffee shop.

Umorder daw talaga siya ng marami para matikman niya lahat, tutal naman daw ay wala namang ganoong cafe sa Maynila.

Tsika at Intriga

Pura Luka Vega sa pagkaabswelto ng kaso: 'Nanaig ang hustisya!'

"Honestly, hindi po talaga ako nasarapan, and opinyon ko naman po 'yon," aniya.

Sa kabilang banda, wala naman daw siyang sinabi sa mga tao na huwag na itong puntahan o tangkilikin.

"Hindi ko sinabing huwag puntahan, hindi ko sinabing magsara kayo..." aniya pa.

MAKI-BALITA: Euleen Castro sa cafe sa Iloilo: 'Honestly, hindi talaga ako nasarapan!'

Tungkol naman daw sa pagmumura niya na sinita rin ng mga netizen, ipinagdiinan ni Euleen na hindi raw niya minura ang pagkain, staff, at cafe.

"Wala akong minura, expression ko lang po talaga 'yon," paliwanag niya.

MAKI-BALITA: Euleen Castro, nagpaliwanag kung bakit napamura sa viral video

Iyon daw ang medyo hindi niya naisip, na akala raw niya ay gets na ng supporters niya ang humor niya, subalit hindi pa raw pala.

Isa pa, hindi raw "general" o hindi niya inilalahat ang pagsasabing hindi masarap ang mga pagkain sa Iloilo. Marami raw sa mga nakainan nila habang sila ay nagbabakasyon doon ang nagustuhan niya talaga.

MAKI-BALITA: Euleen Castro, inakalang na-gets ng followers ang humor niya

Sa bandang huli ay humingi ng paumanhin si Euleen sa lahat ng mga nasaling, nasaktan, at naapektuhan sa kaniyang mga naging kilos at nasabi, lalo na sa staff at may-ari ng cafe, nang tanungin siya kung sa tingin niya ay may pagkakamali silang nagawa.

"May pagkukulang," aniya.

"May mga pagkukulang naman talaga, kasi first hindi tayo nag-disclaimer, hindi ako nag-disclaimer, tapos hindi ko talaga inexplain... hindi ako naging constructive sa feeling kong kulang, sa panlasa ko, 'yon 'yong pagkukulang ko doon. At iyon ang ihihingi ko po ng pasensya. Sa mga taong nasaktan ko especially sa mga chef, sa mga barista, sa mga servers, and sa owner na rin po ng cafe na 'yon, pasensya na po kayo kung 'yon po 'yong naramdaman n'yo at naipahatid ng video ko, hindi po talaga 'yon."

"Hindi po 'yon 'yong mine-mean ko. Ang gusto ko lang po is ibigay lang 'yong feedback ko na hindi po ako nasarapan doon sa food, sa mga natikman ko, pero hindi po para pasamain, hindi ko po hiniling ever na may magsarang restaurant just because of my feedback..."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng cafe tungkol sa naging apology ni Euleen.