June 12, 2025

Home SHOWBIZ

Cristy Fermin bilib sa paglalabas ng mga hanash ni Romnick Sarmenta

Cristy Fermin bilib sa paglalabas ng mga hanash ni Romnick Sarmenta
Photo Courtesy: Screenshots from One PH (YT)

Naghayag ng paghanga ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa aktor na si Romnick Sarmenta dahil sa paglalabas nito ng mga opinyon sa politika,

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Hunyo 9, pinag-usapan ang X post ni Romnick tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Tinanong ni Romnick sa kaniyang X post si Senate President Chiz Escudero tungkol sa tungkulin niya at kung nauunawaan ba nito ang Konstitusyon.

“Nagsisilbi ba siya para sa kapakanan ng tao? O sa mga pinipilu niyang unahin at pagsilbihan?

Relasyon at Hiwalayan

Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na!

O iniisip ba niyang mas mataas siya sa sambayanan?” dagdag pa ng aktor.

Kaya sabi ni Cristy, “Bilib na bilib ako kay Romnick Sarmenta, e. Kasi kung ano ‘yong kaniyang saloobin, kung ano ‘yong kaniyang paniniwala, dapat lang naman talaga na ang bawat isa ay naglalabas ng kaniyang opinyon.”

“Tama o mali, opinyon niya ‘yon. Lahat tayo ay puwedeng mag-opinyon. Libre ’yan,” dugtong pa niya.

Sundot naman ng co-host ni Cristy na si Romel Chika, “Korek, ito dapat ang role ng artista. Ito ‘yong nakikiaalam para namumulat ang mga tao.”

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa politika. Hayagan din niyang sinuportahan sa pagkapangulo si dating Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Atty. Kiko Pangilinan noong 2022 presidential elections.

MAKI-BALITA: Romnick Sarmenta kung bakit si Kiko: 'Kaagapay sa hanap buhay; Obrero ng Pilipino'