May 22, 2026

Home BALITA National

Zubiri, kandidato sa pagka-SP si Gatchalian; nagpaliwanag bakit sa minority bloc pumanig!

Zubiri, kandidato sa pagka-SP si Gatchalian; nagpaliwanag bakit sa minority bloc pumanig!
Photo courtesy: MB File Photo

Personal na ipinagmalaki ni Sen. Juan Miguel Zubiri na si Sen. Sherwin Gatchalian ang "personal candidate" niya sa pagka-Senate President, sa ambush interview sa kaniya ng media matapos ang plenary session at pag-convene sa impeachment court ng Senado nitong Lunes, Mayo 18.

Habang kinakapanayam ng media si Sen. Gatchalian, biglang sumingit si Zubiri at ibinidang personal na kandidato raw niya sa pagka-SP si Gatchalian.

"May I just say, this [Gatchalian] is my candidate for Senate President," ani Zubiri sabay himas sa ulo ni Gatchalian.

Maya-maya, umalis na si Gatchalian at tinanong naman ng media si Zubiri kung bakit mas pinili niyang umanib sa minority bloc.

Sagot ni Zubiri, tila natauhan daw siya sa mga nangyari sa Senado sa mga nagdaang araw.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

"After what happened last week, with the handling of the shootout here in the Senate, natauhan ako, nabulag ako para sa institusyong ito," aniya.

"Napaisip ako nang malalim. Tinanong na ako ng mga anak ko kung bakit nagkaganito sa Senado. So I prayed hard and sought for discernment, and I said it's about time to make a stand, na maiba ang mga pangyayari dito sa Senado, na maibalik natin ang dignidad ng Senado," aniya pa.

"For the first time in history, nagkaputukan dito. Nagkagulo-gulo. That was never happened in the history of this great body, so I made a decision," paliwanag pa niya.

Samantala, kahit na umanib sina Zubiri at Sen. JV Ejercito, na dating independent, sa minority, hindi pa rin nito natibag ang majority kaya nanatili pa rin si Senate President Alan Peter Cayetano sa liderato ng Senado.