June 09, 2025

Home BALITA National

Akbayan galit na; magkakasa ng 3 araw na protesta sa harap ng Senado!

Akbayan galit na; magkakasa ng 3 araw na protesta sa harap ng Senado!
Photo courtesy: Akbayan Partylist/FB, via Manila Bulletin

Inihayag ng Akbayan Party-list ang kanilang nakatakdang tatlong araw na kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Senado kaugnay ng pagkaantala sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 6, 2025, tinatayang aabot sa tatlo hanggang limang libo ang sasama sa kanila upang kalampagin ang Senado.

Magsisimula ang kanilang kilos-protesta sa Hunyo 9 na tatawagin nilang "People's March" mula sa Film Center patungong Senado, habang isang People's Vigil naman ang isasagawa nila sa Hunyo 10 mula 5:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi. Mananatili ang kanilang protesta kasabay ng inaasahang pagbasa sa articles of impeachment ni VP Sara sa Hunyo 11 sa ganap na 1:00 ng hapon na tatawagin  naman nilang "Day of Action for Truth and Accountability."

Ayon kay Akbayan Party-list President Rafaela David, nasa kamay na raw ng taumbayan na kalampagin at paalalahanan ang Senado na gampanan ang kanilang trabaho sa konstitusyon.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

"Akbayan Partylist today announced it will launch a series of mass actions together with civil society coalition Tindig Pilipinas next week as the Senate leadership faced growing public pressure to comply with its constitutional duty to convene the Senate as an impeachment court to try VP Sara Duterte," saad ni David.

Matatandaang halos nasa apat na buwan nang nakatengga sa Senado ang impeachment case ni VP Sara magmula nang iakyat ito sa kanila ng House of Representatives.

Kaugnay nito, kinondena rin ng Akbayan ang kumakalat umanong resolusyon at balitang ibabasura na lamang daw ang impeachment ng Pangalawang Pangulo sa Senado.

"It is absurd to have a dismissal of a case when there hasn’t been a formal hearing. Wala pa ngang trial gusto na nila acquittal agad," saad ni David.

Dagdag pa niya, "Walang basehan na may time limit ang pagsagawa ng impeachment. This impeachment–initiated in the 19th Congress–can continue into the 20th Congress. Walang deadline ang pagpapanagot ng mga tiwali."

Inaasahang makikiisa sa nasabing mass action ang iba pang organisasyon katulad ng Tindig Pilipinas, student at youth groups, civil society group at iba pang religious organization.