June 08, 2025

Home BALITA Politics

Mayor Baste, walang tiwala na mapapauwi ni Sen. Imee si FPRRD

Mayor Baste, walang tiwala na mapapauwi ni Sen. Imee si FPRRD
Photo Courtesy: Screenshot from Mayor Baste (YT), Imee Marcos (FB)

Tila walang tiwala si Davao City Mayor Baste Duterte na mapapauwi ni Senator Imee Marcos ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng media kay Mayor Baste noong Martes, Hunyo 3, hiningan siya ng reaksiyon hinggil sa kumakalat na mga pahayag na ang pagbisita ni Sen. Imee sa The Hague ay pag-asang maituturing para mapauwi na ang dating pangulo sa Pilipinas.

“Mayro’n ba syang power to bring PRRD home?” tanong kay Mayor Baste. “Kasi ‘yon ‘yong mga lumalabas sa troll."

Sagot naman niya, “Nakauwi na ba si Madam [Sen. Imee]? A, nakauwi na. O, eh ‘di hindi totoo kasi wala naman siyang nadala.” 

Politics

John Arcilla, umapela sa Millenials at Gen Z; pinapapalitan mga matatagal nang gov’t officials

Ngunit ayon sa mayor ng Davao, sapat na umano ang presensya ng senador sa The Hague.

“Kung nandito si Madam Imee, okay na ‘yon. That’s enough na she’s supporting. Wala naman akong problema sa gano’n,” dugtong pa ni Mayor Baste.

Matatandaang hayagang sinusuportahan ni Sen. Imee ang pagpapabalik sa ama nina VP Sara at Mayor Baste sa Pilipinas matapos arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaso nitong crimes against humanity.

Sa katunayan, pinangunahan ng senadora ang pagdinig sa Senado upang igiit na ilegal umano ang ginawang pag-aresto ng ilang gabinete sa dating pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang cabinet members, nanindigang 'di tumulong ang Pinas sa ICC