June 09, 2025

Home BALITA

Kamara, inaprubahan na ang ₱200 na dagdag sahod

Kamara, inaprubahan na ang ₱200 na dagdag sahod
Photo Courtesy: Noel B. Pabalate/MB

Nakalusot na sa pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ng ₱200 ang arawang sweldo ng mga manggagawang sa pribadong sektor.

Ayon sa ulat, inaprubahan ito ng 117 mambatatas at may isang tumutol. Wala namang umiwas na bumoto.

Sa kasalukuyan, nasa ₱645 ang daily minimum wage sa National Capital Region (NCR). 

Ngunit ayon sa tala ng IBON Foundation, dapat nasa ₱1,223 umano ang sahod kada araw ng isang manggagawang may limang miyembro ang pamilya upang mabuhay nang disente.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

Kaya bagama’t tinatanggap ng ilang lider-manggawa ang inaprubahang panukalang batas, iginiit pa rin nila na kulang ang ₱200 bilang karagdagang sahod.

MAKI-BALITA: Senatorial aspirant Jerome Adonis sa ₱200 na dagdag-sahod: 'Kulang pa 'yan!'

MAKI-BALITA: Espiritu, tinatanggap ang panukalang dagdag-sahod ng Kongreso