June 08, 2025

Home BALITA National

Castro ala-'Cherie Gil' kay Manuel: 'Don't be like second rate, trying hard, copycat!'

Castro ala-'Cherie Gil' kay Manuel: 'Don't be like second rate, trying hard, copycat!'
Photo courtesy: screenshot RTVM/FB, Raoul Manuel (FB)

May sagot si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Officer Claire Castro sa naging mga banat ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, kaugnay sa isyu ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Manuel ay tila nakikialam daw si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa nangyayaring pagka-delay sa pagsisimula ng pagbasa sa articles of impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, sa Senado.

Sa isinagawang press briefing ng Malacañang, Miyerkules, Hunyo 4, sinabi ni Castro na nirerespeto nila ang sinabi ng Kabataan Party-list, pero sana raw ay respetuhin din niya ang Pangulo.

"We give respect Representative [Raoul] Manuel. And we hope that he will also give respect to the President. By not making and creating such kind of intrigues. Intriga po ito, alam naman natin kung sino ang marunong at eksperto sa paggawa ng intriga at magplanta ng ebidensya, so huwag na po sana niyang gayahin ito," anang Castro.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Hirit pa ni Castro, "Kumbaga sa pelikula, kokopyahin ko lang pero babaguhin ko ng kaunti, 'Do not be like second rate, trying hard, copycat!"

KAUGNAY NA BALITA: Desisyon ng Senado sa impeachment ni VP Sara, 'huwag isisi kay PBBM!'—Palasyo

Ang nabanggit na linyahan sa pelikula ay sinambit ng pumanaw na si Cherie Gil sa iconic movie nila ni Megastar Sharon Cuneta na "Bituing Walang Ningning."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag si Rep. Manuel tungkol dito.