May 21, 2026

Home BALITA National

PSA, ipinaalalang anim na buwan lang ang bisa ng ‘negative certification of birth’

PSA, ipinaalalang anim na buwan lang ang bisa ng ‘negative certification of birth’
Photo courtesy: PSA Helpline (website)

Ipinaalala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na hanggang anim na buwan lamang ang bisa ng “Negative Certification of Birth” mula sa petsa ng pagkakaloob nito. 

Anila pa, paglampas sa ikaanim na buwan, hindi na ito maaaring tanggapin ng tanggapan bilang supporting document sa delayed registration of birth at iba pang civil registry transactions. 

Kaya binanggit din ng PSA sa publiko na tiyaking updated at valid ang kanilang isusumiteng mga dokumento upang maiwasan ang anumang pagkakaantala o abala sa proseso. 

Sa kaugnay na ulat, ang “Negative Certification of Birth” ay ibinibigay ng PSA bilang patunay na walang birth record sa kanilang civil registry system (CRS) database. 

Kadalasan itong inire-require sa pagproseso ng delayed registration of birth at iba pang civil registry transactions. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Habang binanggit din sa Republic Act No. 11909 ang pagbibigay ng permanenteng validity ng birth, death, at marriage certificates, itinuturing na time-sensitive ang “Negative Certification of Birth” dahil nagsisilbi itong repleksyon ng status ng records ng isang indibidwal sa loob ng partikular na panahon.