June 08, 2025

Home BALITA National

DSWD, nanawagang 'wag i-bash si 'Imburnal Girl' dahil sa ₱80k

DSWD, nanawagang 'wag i-bash si 'Imburnal Girl' dahil sa ₱80k
Photo courtesy: DSWD (FB)

Umapela sa publiko si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa publiko na huwag kuyugin, batikusin, at gawan ng memes si "Rose," ang babaeng tinulungan nila at binigyan ng ₱80,000 para makapamili ng grocery items na gagamitin niya sa binabalak na pagtatayo ng sariling tindahan.

Sa opisyal na press release ng kagawaran, sinabi ni Gatchalian na ang nabanggit na halaga ay batay sa assessment ng social workers kay Rose, at hindi pabuya.

"Una, hindi siya pabuya. Gusto kong linawin na ito ay parte ng programa ng pag-reintegrate sa komunidad. Kung ibalik mo lang ang mga tao sa kanilang komunidad, uulit at uulit lang ito. Kailangan matulungan natin silang magkaroon ng bagong pag-asa at makapagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng economic grant,” ani Gatchalian sa naging panayam sa kaniya ni Arnold Clavio sa "Unang Hirit."

"Yung halaga na 'yan, ang nagtakda niyan, hindi ako, hindi kahit sino sa departamento, kundi 'yong handling social worker ni Rose. Sa kaniyang recommendation, sa kaniyang intake, ay nakita niya na ito ang tamang intervention para makapagsimula muli si Rose,” aniya pa.

National

'Walang atrasan!' 2 senador, sinigurong tuloy ang impeachment trial sa Hunyo 11

"Gusto ko rin i-point out na may guidelines ang DSWD sa bawat programa. Lahat ng programa natin nakatakda kung ano ang minimum amount, ano ang maximum amount. Pero lahat yan, katulad sa iba't iba pa naming programa, dadaan muna sa masusing pag-aaral ng mga social worker natin,” dagdag pa.

Iginiit din ni Gatchalian na itigil na raw sana ang pambabatikos kay Rose at ihinto na ang paggawa ng memes tungkol sa kaniya.

Si Rose, ang babaeng naging usap-usapan matapos biglang lumabas sa isang drainage o imburnal sa Makati kamakailan.

MAKI-BALITA: Sadako sa kanal? Babae sa Makati, nambulabog matapos lumabas mula sa drainage

MAKI-BALITA: Babaeng lumabas sa isang imburnal sa Makati, bibigyan ng ₱80K

MAKI-BALITA: Babaeng lumabas sa imburnal, nakapag-grocery galore para sa sari-sari store

MAKI-BALITA: Ilang netizens, naghahanap na rin ng imburnal para magka-instant ₱80k