June 08, 2025

Home BALITA National

Escudero, itinangging ginagamit impeachment ni VP Sara para manatili sa posisyon

Escudero, itinangging ginagamit impeachment ni VP Sara para manatili sa posisyon
Photo courtesy: MB file photo

Pumalag si Senate President Chiz Escudero hinggil sa mga alegasyong ginagamit niya lang ang impeachment ni Vice President Sara Duterte upang manatili sa kaniyang posisyon sa Senado.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Hunyo 2, 2025, diretsahang itinanggi ni Escudero ang nasabing mga alegasyon laban sa kaniya. 

“Hindi ko makita ‘yong rason. Wala akong kinalaman, hindi ako ‘yong nasasakdal sa impeachment complaint. I do not see the connection,” ani Escudero.

Dagdag pa niya, “It has nothing to do — especially given the fact that the 20th Congress will have a totally different composition.”

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Umugong ang nasabing alegasyon matapos niyang ipagpaliban mula sa orihinal na araw ng Hunyo 2 ang pagbasa sa articles of impeachment ni VP Sara sa Hunyo 11.

KAUGNAY NA BALITA:  Senado, iniurong sa June 11 ang pagbabasa ng articles of impeachment vs VP Sara

Kaugnay naman ng posibleng pagpapalit ng liderato ng Senado sa pagpasok ng 20th Congress, inamin ni Escudero na patuloy ang kaniyang pakikipag-usap sa mga kapwa senador hinggil sa kanilang trabaho—ngunit hindi hindi niya binaggit kung kasama rito ang paghingi ng suporta upang manatiling Senate President.

“Nag-uusap, kaibigan ko naman lahat. Pinag-uusapan ang trabaho, hindi lamang sa 19th, pati na rin sa 20th Congress. Pero ang tingin ko diyan, masyado pang matagal eh. Kung ano man ang sagot ngayon, baka next week, next month, magbago. So, masyadong maaga lahat ng mga usapin at pormahan na ginagawa ngayon,” anang Senate President.