Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa sinabi ng umano’y fan ni Jarren Garcia sa kapuwa nito ex-housemate sa Pinoy Big Brother na si JM Ibarra.
Mababasa kasi sa isang Facebook group ang post ng nasabing fan na nag-hire umano siya ng hitman upang mabura sa buhay ni Fyang Smith si JM.
Pumalag naman ang pamunuan ng Star Magic para sabihing hindi umano nila tino-tolerate ang anomang personal na atake sa social media laban sa kanilang mga artista.
Ngunit sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Mayo 31, sinabi ni Ogie mas maganda raw kung masampolan ang nagbantang fan.
Aniya, Mas maganda nga sampolan nila para ‘pag nag-file kunan nila bilang pananda sa mga netizen na gano’n na lang to go overboard.”
“Lalo na parang kilalang-kilala nila ‘yong tao kung manlait sila, at sirain ‘yong reputasyon,” dugtong pa ni Ogie.
Kaya paalala niya ang paghanga dapat ay may hangganan at hindi dapat lumalampas sa limitasyon. Umapela rin siya kina Fyang, JM, at Jarren na pakiusapan ang fans na itigil ang pag-aaway-away.