May 22, 2026

Home BALITA Politics

'Not a fugitive!' Kampo ni Sen. Bato, nanindigang hindi siya pugante ng Pilipinas

'Not a fugitive!' Kampo ni Sen. Bato, nanindigang hindi siya pugante ng Pilipinas
Photo courtesy: MB file photo

Nanindigan ang legal counsel ng nagtatagong si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na hindi maituturing na pugante ang senador sa kabila ng arrest warrant na kinahaharap niya sa International Criminal Court (ICC). 

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Lunes, Mayo 18, 2026 tahasang iginiit ni Atty. Israelito Torreon na wala umanong basehan at hindi patas na ituring na pugante ng batas si Dela Rosa..

"Senator Dela Rosa is not a fugitive from justice. That characterization is legally baseless and unfair," ani Torreon.

Pagdidiin ni Torreon, walang kahit na anong korte sa Pilipinas ang naglabas ng warrant laban sa senador, kaya't walang maituturing na kasong kriminal ang kasalukuyang nakasampa laban kay Dela Rosa.

"There is no Philippine court-issued warrant against him, no local criminal case requiring his arrest, and no final judicial directive from any Philippine court ordering his surrender to the ICC," anang abogado.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Tumanggi ring magkomento si Torreon hinggil sa kinaroroonan ni Dela Rosa, ilang araw matapos siyang umalis sa kustodiya ng Senado.

"As to his current location, we cannot comment on such matters but What we can say is that Senator Dela Rosa has continuously sought relief from the Supreme Court and has not abandoned legal remedies," saad pa ni Torreon.

Matatandaang noong Mayo 13 nang magkaroon ng gulo sa Senado sa panig ng Office of Sergeant-At-Arms (OSAA) at umano’y tropa ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang pinaniniwalaang akmang pag-aresto kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay itinuturing na suspek ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa kaugnayan ng madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.