Natanong ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung paano niya nagawang i-handle ang mga tingin sa kaniya ng mga tao na "babaero" o "cheater" siya, sa "Toni Talks" ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.
Pero bago iyon, inamin muna ni Gerald na talagang "nahulog" siya sa ilang leading ladies na nakapareha niya sa proyekto.
KAUGNAY NA BALITA: Gerald, aminadong 'nahulog' sa ilang leading ladies na nakapartner
Ilan sa mga naging leading ladies niya, kung hindi na-link sa kaniya, ay talaga namang nakarelasyon niya. Ilan nga sa kanila ay sina Kim Chiu at Bea Alonzo.
Ang current girlfriend niyang si Julia Barretto ay naging jowa niya matapos nilang magtambal sa pelikulang "Between Maybes" noong 2019, na naging kontrobersiyal pa matapos ang "ghosting" issue kay Bea Alonzo.
"Paano mo hinandle 'yon, kasi ang naging tingin sa 'yo ng mga tao, is either babaero ka or cheater?" tanong ni Toni.
Paliwanag ni Gerald, hindi raw totoo na cheater siya.
"Alam n'yo kung sino mga naging girlfriends ko, hindi ko naman maitago, alam n'yo eh... 'pag sila 'yong girlfriend ko, sila talaga. Walang iba, walang ano..." sey ni Gerald.
"Hindi ka nag-cheat?" muling tanong ni Toni.
"No," sagot ni Gerald.
Nang tanungin naman siya kung nahulog na siya sa "temptation," inamin din ni Gerald ang tungkol dito.
"Aaminin ko, it's almost impossible especially sa work natin, sa environment natin, sa situations natin na hindi ka mafa-fall [sa temptation]," aniya.
"Especially at the young age and everything is ibinabato na lang sa 'yo lahat, so it's very hard to not fall into that," dagdag pa niya.