June 07, 2025

Home BALITA

Rowena Guanzon bilang OVP spox? VP Sara, may nilinaw!

Rowena Guanzon bilang OVP spox? VP Sara, may nilinaw!
Photo courtesy: file photo

May nilinaw si Vice President Sara Duterte tungkol sa umano’y bali-balitang itatalaga raw ng Office of the Vice President (OVP) na tagapagsalita si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon.

Sa panayam ng kanilang mga tagasuporta kay VP Sara sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Mayo 30, 2025, nilinaw ng Bise Presidente na wala pa raw napag-uusapan ang OVP hinggil sa pagkakaroon ng tagapagsalita.

“Hindi namin napag-isapan eh, sa Office of the Vice President ang spokesperson,” aniya.

Dagdag pa niya, “Pero saludo kami sa talino at tapang ni Atty. Rowena Guanzon. So kung gusto n'ya magsalita, go lang nang go, makikinig tayong lahat sa kaniya.”

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Nagsilbing Comelec Commissioner si Guanzon mula 2015 hanggang 2022. Tumakbo siya bilang Representative ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disability (P3PWD) Party-list ngunit bigo itong makapasok noong nakaraang Halalan. 

Samantala, wala pang inilalabas na tugon ang kampo ni Guanzon hinggil sa naturang pahayag ng Pangalawang Pangulo.