June 06, 2025

Home BALITA Politics

PBBM, bigong ihatid mensahe ng admin sa publiko —political analyst

PBBM, bigong ihatid mensahe ng admin sa publiko —political analyst
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng pananaw ang political analyst at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas tungkol sa kung paano hinuhubog ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang naratibo ng mga kasalukuyang isyu ng bansa.

Sa latest episode ng “Morning Matters” noong Biyernes, Mayo 31, inisa-isa ni Llamas ang mga anggulong sa tingin niya ay kinapos na tutukan ng pangulo. 

“Messaging ‘yan, e. Ibig sabihin, dapat ang ginawa ng gobyerno ang pinroject nila ‘yong biktima ng tokhang; ‘yong mga families, ‘yong mga kapatid, ‘yong mga magulang, ‘yong mga anak. ‘Yon dapat ang pinroject nila. Kinapos sila ro’n, e,” saad ni Llamas

Dagdag pa niya, “Impeachment. Dapat in-emphasize nila bakit nag-iimpeach? Nakalimutan ‘yong impeachment complaints, e. So that basically messaging.”

Politics

Reso ni Bato para ibasura paglilitis kay VP Sara, ‘walang sense’ —Lacson

Nakadagdag pa umano rito ang tila kawalan ng gulugod ng mga kandidato ng pangulo sa ilalim ng administration slate na hindi nagsasalita sa mga isyung tungkol sa crimes against humanity, national sovereignty, maling pamamahala ng nakaraang gobyerno sa pondo noong pandemya.

 “So, hindi na-weaponize against political rivals, political enemies. Nando’n ‘yong problema,” aniya.

Matatandaang batay sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia noong Mayo 26, naungusan na sa trust rating si Marcos ng mag-amang sina Rodrigo Duterte at Sara Duterte na kaalyado niya noon ngunit pareho na niya ngayong katunggali sa politika. 

MAKI-BALITA: Mag-amang Duterte, 'most trusted' pa rin ng mga Pinoy—Pulse Asia