Dinala na ang mga labi ni singer-songwriter at OPM icon Freddie Aguilar sa Manila Islamic Cemetery.
Sa latest Facebook post ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office (MCMAO) noong Martes, Mayo 27, inanunsiyo nila ang paglilibing kay Freddie sa pangunguna ng direktor ng naturang tanggapan na si Brother Johnny Guiling.
Ito ay alinsunod sa paniniwalang Islam na ang sinomang pumanaw ay kinakailangan mailibing agad sa loob ng 24 oras matapos nitong bawian ng buhay.
Matatandaang si Freddie—na may Islamikong pangalang Abdul Fareed—ay nagpalit ng relihiyon bilang isang Muslim noong 2013.
Pumanaw ang OPM icon sa edad na 72 dahil sa multiple organ failure.