May 29, 2025

Home SHOWBIZ

Jolo Estrada, dinepensahan ang kapatid na ginulpi

Jolo Estrada, dinepensahan ang kapatid na ginulpi
Photo Courtesy: Jolo Estrada, Julian Estrada (IG)

Ipinagtanggol ni Jolo Estrada ang utol niyang si Julian Estrada, kapuwa anak ni Senador Jinggoy Estrada, na ginulpi kamakailan sa isla ng Boracay.

KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Sa Instagram story ni Jolo nitong Lunes, Mayo 26, sinabi niyang hindi umano si Julian ang nagsimula ng gulo.

"Let's get this straight: my brother and cousin were jumped. Not in a fight. Not causing trouble. CCTV footage proves it — no confrontation, no drama,” saad ni Jolo.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz may payo sa mga nagfo-food review na 'di nasarapan

"Just three Boracay locals who decided to violently jump two people who were already walking back to their hotel,” pagpapatuloy niya. “I had to cut my trip short and rush to the hospital because their injuries were no joke.”

Dagdag pa ni Jolo, lumuhod daw at nagmakaawa ang tatlong suspek matapos mahuli ng mga awtoridad.

Kaya sa mga trolls umano na nagsasabing nararapat lang daw sa kapatid at pinsan niya ang nangyari, huwag daw sanang maranasan ng mga ito sinapit ng mahal niya sa buhay.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Julian sa pamamagitan ng Instagram story na “unprovoked attacked” umano ang nangyaring bugbugan sa Boracay.

MAKI-BALITA: Julian Estrada pumalag; bugbugan sa Boracay, 'unprovoked attack'