December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

Jennifer Lopez, nakipaglaplapan sa back-up dancers

Jennifer Lopez, nakipaglaplapan sa back-up dancers
Photo courtesy: Screenshots from Buzzing Pop (X)

Naloka ang mga nakapanood sa performance ni American singer-performer Jennifer Lopez o kilala rin bilang "J.Lo" matapos niyang makipaghalikan sa dalawang back-up dancers, sa isinagawang 2025 American Music Awards o AMA.

Nagulat ang mga nanonood nang makipaglaplapan nga si J.Lo sa isang lalaking back-up dancer, subalit wait, there's more—nakipaghigupan din siya sa isang babaeng back-up dancer.

Lahat ng ito ay nasaksihan ng mga audience, on-stage!

Bukod doon ay talagang steamy at maharot din ang galawan ni J.Lo sa iba pang back-up dancers, na obviously ay forda performance lang.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Curious tuloy ang mga netizen kung anong sey dito ng dating hubby ni J.Lo na si American actor Ben Affleck.