Ibinida ng Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto ang naging "winner dinner" nila ng mga kaibigang sina Mariel Rodriguez-Padilla, Shalani Soledad, at senator-elect Camille Villar, na ninang pala ng anak niyang si Athena.
Naganap ang nabanggit na dinner ilang araw matapos ang pagkapanalo at proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nanalong senador sa nagdaang halalan. Selebrasyon na rin daw ito ng mga mag-"breast friends" sa advance birthday ni Rufa Mae.
"Friends so near … then and now, kami pa din sa huli mag join forces. Kahit na matagal kami di mag kita, mag sama, andyan yung Love and support namin sa isa’t - isa, sumama pa mga anak namin," ani Peachy (palayaw ni Rufa Mae) sa kaniyang Instagram post noong Mayo 23.
Sey naman ni Rufa Mae para kay Senator-elect Camille, malayo na raw ang narating ng kaniyang kaibigan.
"I can’t believe ninang ni Athena Senator @camillevillar__ winner! Congratulations! Speechless ako kasi ang layo na ng narating nya . Very simple and kind lang talaga sya. The most thoughtful friendship!" aniya.
Bagama't happy naman sina Mariel at Shalani sa post ni Rufa Mae, ilang netizens naman ang nagbitiw ng ilang maaanghang na reaksiyon at komento tungkol dito.
"Anong gagawin ni Camille Villar sa senado?"
"Ewww yung friend mo ruffa...malakas ba tubig mo sa bahay? Dahil friend kau?"
"Cancel the follow"
"So disappointing"
"Pasabi kay camille friend i go go go nya na ang pag fix sa prime water para may silbi naman ang pag run run go away nya"
"Simple and Kind? talaga ba miss Rufa?"
Sa kabilang banda, may mga netizen din ang nagtanggol kay Rufa Mae gayundin kay Camille Villar.
"Yung mga nagcocomment dito nang di maganda, for sure mga bobong kakampink Yan!"
"Kase shes friend with villar ? Ante wala pa sa pwesto si camille friends na silang lahat.. wag mong idamay ang politikal na gusto mo sa personal na pagkakaibigan nila toxic!!"
"The post is not related to any political happenings.. so why still posting those unnecessary comments? It's Rufa's birthday. Duhhhh."
"Sympre meeeeh.. Winner kadin, winner sa kaso mo.. Go go goo."
Samantala, hindi naman tumugon si Rufa Mae sa bashers at haters sa kaniyang post.
KAUGNAY NA BALITA: Proud friend: Mariel Padilla, flinex 'winner dinner' kasama si Camille Villar