June 14, 2025

Home BALITA

Nakabinbing courtesy resignation, wa-epek sa serbisyo ng DSWD—Sec. Gatchalian

Nakabinbing courtesy resignation, wa-epek sa serbisyo ng DSWD—Sec. Gatchalian
Photo courtesy: via DSWD

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi raw maaapektuhan ang serbisyong ibibigay ng ahensyang pinamumunuan niya, sa kabila ng nambinbin niyang courtesy resignation.

Sa panayam kay Gatchalian noong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang bagama't sumunod siya sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., hindi raw nito maaapektuhan ang operasyon ng DSWD.

"Tama po kayo, tumalima tayo sa utos ng ating Pangulo na mag-submit ng courtesy resignation upang ma-recablibrate n'ya yung Cabinet n'ya," saad ni Gatchalian.

Pagsisiguro pa niya, "So ang assurance ko, ang buong makinarya ng DSWD ay tatakbo, walang serbisyo na maantala. Ready kami tumulong sa bawat mamamayan na kailangan humingi ng tulong."

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Matatandaang noong Huwebes, Mayo 22, nang ihayag ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang desisyon ni PBBM na isaayos ang kaniyang gabinete dahil sa kagustuhan daw ng taumbayan nang mas mabilis na resulta mula sa kaniyang administrasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Nilinaw naman Palace Press Undersecretary Claire Castro na mananatili pa rin sa puwesto ang lahat ng gabinete ni PBBM hangga’t wala raw pinal na desisyon ang Pangulo kung tuluyan silang papalitan sa puwesto.

KAUGNAY NA BALITA: Mga gabinete, mananatili sa puwesto hanggang sa ma-elbow ni PBBM—Palasyo

Kaugnay nito, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Biyernes, na mananatili sa puwesto ang economic team ni PBBM kabilang na rin ang iba pang gabinete na iniluklok sa ibang departamento ng pamahalaan.

KAUGNAY NA BALITA: Economic team ni PBBM, mananatili sa puwesto—Bersamin