May 24, 2025

Home BALITA

Laman ng puso ni Sen. Go, 'tatak Duterte!'

Laman ng puso ni Sen. Go, 'tatak Duterte!'
Photo courtesy: contributed photo

Nagpasalamat si Sen. Bong Go kay Vice President Sara Duterte sa naging pag-endorso raw sa kaniya noong nakaraang eleksyon.

Sa Facebook post ng senador nitong Sabado, Mayo 24, 2025, muli niyang iginiit ang pasasalamat daw niya kay VP Sara at sa buong pamilya Duterte.

"Bukod sa aking taos-pusong pasasalamat kay Tatay Digong, maraming salamat muli kay Vice President Sara Duterte sa pag-endorso sa DuterTEN slate," ani Go.

Dagdag pa niya, "Walang hanggan ang pasasalamat ko sa pamilyang Duterte at saludo ako kay VP Inday Sara na tumayong lider namin sa panahong nangungulila ang sambayanang Pilipino."

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!

Si Go ang nangunang senador noong nakaraang Halalan 2025 kung saan kabilang siya sa 10 kandidatong binitbit ng PDP-Laban na tinawag na DuterTEN line-up.

Kaugnay nito, hinimok din ni Go ang taumbayan na isantabi na raw ang politika at intriga ngayong tapos na ang eleksyon.

"Tama na ang politika. Tama na ang intriga. Tapos na ang eleksyon, Magtrabaho na tayo. Serbisyo na!" anang senador.

Saad din ng naturang post, muli ring inihayag ni Go ang kaniya raw pagmamahal para sa pamilya ni Duterte na kaniyang naging kaalyado mula ng siya ay naging senador noong 2019.

"Ako naman po, buklatin n’yo man ang puso ko, tatak Duterte!" aniya.