May 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Basher ni Gerald na tinawag siyang 'manipulative, groomer' pinuksa ng netizens

Basher ni Gerald na tinawag siyang 'manipulative, groomer' pinuksa ng netizens
Photo courtesy: Gerald Anderson, Julia Barretto (IG)

Hindi pinalampas ng mga netizen ang isang detractor ni Kapamilya star Gerald Anderson matapos itong magpaulan ng komento sa latest Instagram post ng aktor, matapos ibida ang family bonding nila at hanapin sa kaniya ang girlfriend na si Julia Barretto.

"Regroup ," mababasa sa caption ng post ni Gerald, kalakip ang ilang mga larawan at video ng kanilang pagbabakasyon ng pamilya.

Hindi naman makikita sa mga larawan o video clip si Julia Barretto, jowa niya.

Kaya naman, isang netizen ang nagtanong kay Gerald kung nasaan si Julia.

Tsika at Intriga

'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald

"Bat waley julia?" tanong nito.

Sagot naman ng basher, "break na sila, thank God. Malaya na si Julia."

Bukod dito, tinawag pa niyang "manipulative" at "groomer" ang aktor.

"Dyosko, wala sila. Palayain nyo na si Julia sa taong manipulative at groomer."

Pero mismong mga kapwa netizen na ang pumuksa sa nabanggit na commenter na nagsabing break na ang dalawa.

"kailangan ba magkasama lagi?? May kanya kanya din silang mga trabaho at activities bukod sa pagiging mag kasintahan."

"unahin mo muna siguro yung sarili mong character development. Marami ka pang hindi nalalaman sa pagkatao mo. Bat ang big deal sa inyo ng mga nangyayari sa personal n buhay ng mga celebrities? Sarili niyo nga di niyo maayos ayos."

"luh...tingnan mO post ni Ms.Marjorie andun namna siya.."

"Mabait na anak si Gerard Anderson at pag may calamity unang una nagsasagip Yan Ng mga senior citizens na binaha at muntik malunod..."

"lol saan banda jan? Ikaw nga wala png proof pero nag assume na."

Pero sumagot pa ulit ang nabanggit na basher.

"Maayos yung buhay ko wag kang mag alala, totoo naman hiwalay na sila kaya nga naka unfollow na si Claudia sa kanya, tingnan mo kng finofollow pa ba sya ni Claudia. Obviously, ayaw ni Claudia sa kanya for Julia. Civil nalang sila pero wla na talaga sila."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gerald o maging si Julia sa talak ng nabanggit na basher.

KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald