May 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald

'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald
Photo courtesy: Gerald Anderson, Julia Barretto (IG)

Nakakaloka ang mga netizen sa comment section ng latest Instagram post ni Kapamilya star Gerald Anderson habang nasa isang bakasyon.

Ibinida kasi ni Gerald ang mga kuhang larawan ng kaniyang bonding kasama ang pamilya.

"Regroup ," mababasa sa caption ng post.

Hindi naman makikita sa mga larawan o video clip si Julia Barretto, jowa niya.

Tsika at Intriga

Basher ni Gerald na tinawag siyang 'manipulative, groomer' pinuksa ng netizens

Kaya naman, isang netizen ang nagtanong kay Gerald kung nasaan si Julia.

"Bat waley julia?" tanong nito.

Photo courtesy: Screenshot from Gerald Anderson (IG)

Saad naman ng isang netizen, "break na sila, thank God. Malaya na si Julia."

Pero mismong mga kapwa netizen na ang pumuksa sa nabanggit na commenter na nagsabing break na ang dalawa.

"kailangan ba magkasama lagi?? May kanya kanya din silang mga trabaho at activities bukod sa pagiging mag kasintahan."

"unahin mo muna siguro yung sarili mong character development. Marami ka pang hindi nalalaman sa pagkatao mo. Bat ang big deal sa inyo ng mga nangyayari sa personal n buhay ng mga celebrities? Sarili niyo nga di niyo maayos ayos."

"luh...tingnan mO post ni Ms.Marjorie andun namna siya.."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gerald o maging si Julia sa talak ng basher.