May 22, 2025

Home BALITA National

₱64M lotto jackpot prize, nasolo ng taga-Laguna!

₱64M lotto jackpot prize, nasolo ng taga-Laguna!
(unsplash)

Nasolo ng taga-Laguna ang tumataginting na mahigit ₱64 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 23-25-28-19-10-18 na binola noong Miyerkules, Mayo 21. 

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang winning ticket sa Calamba City, Laguna. 

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod na rin sa TRAIN Law.