Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang kaniyang pagbe-breakfast habang muling nasa The Hague, Netherlands kasama ang "standee" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Makikita sa Facebook post ng senador ang kaniyang breakfast kasama ang standee ng chairman ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP Laban).
"Good vibes lang," anang senador.
"Breakfast meeting kasama ang chairman ng Partido demokratiko ng Pilipinas."
Ibinida naman ni Atty. Harry Roque ang larawan nila ng senador na muling lumipad tungong Netherlands para sa dating pangulo.