May 17, 2025

Home BALITA National

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Matapos ang magnitude 5.1 nitong Sabado ng umaga, Mayo 17, muling niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Negros Occidental dakong 11:23 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic din ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 43 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng City of Sipalay, Negros Occidental, na may lalim na 4 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Imee sa 'di pagbanggit kay PBBM sa speech: 'Ay, nakalimutan ko na!'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang nito lamang ding 8:32 ng umaga nang yanigin ng magnitude 5.1–na unang itinaas ng Phivolcs sa magnitufe 5.2–ang City of Sipalay sa lalawigan.