Muling naglabas ng kaniyang opisyal na pahayag ang GAT member na si Ethan David hinggil sa pamba-bash sa kaniya ng netizen sa umano'y pakikipagrelasyon niya sa menor de edad.
Nag-ugat ito sa viral video nila ng ilang miyembro ng BINI na sina Jhoanna, Stacey, at Colet tungkol sa kanilang "sensitibong" biruan.
Paliwanag ni Ethan sa kaniyang Instagram post, kailanman ay hindi siya nakipagrelasyon sa isang menor de edad at hindi niya ito-tolerate ang ganoong behavior. Nagsalita si Ethan dahil sa buhos ng hate comments at bashing laban sa kaniya, sa iba't ibang social media platforms.
Humingi naman ang artist ng tawad sa lahat ng mga kapamilya at kaibigan niyang naapektuhan ng kontrobersiya.
"Let me be clear.. I have NEVER been involved in any inappropriate relationship with a minor, and I will never tolerate nor condone such behavior. I have always been firmly against it. The accusations being made are not only baseless but extremely damaging," bahagi ng kaniyang pahayag.
Nilinaw rin niya na siya raw ang tinutukoy na 13-anyos sa nabanggit na video.
"To clarify the confusion surrounding the video, the joking comments heard in the video led to a misunderstanding that I was grooming a 13 yr old. In reality, I Was the 13 yr old being referred to."
"The situation being discussed dates back to a time when I was a young teenager experiencing innocent puppy love during my time in Canada," aniya pa.