May 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rendon Labador, binanatan si Ser Geybin matapos gawing content ang bata

Rendon Labador, binanatan si Ser Geybin matapos gawing content ang bata
Photo courtesy: via Rendon Labador (FB)

Sinita ng social media personality na si Rendon Labador ang kapwa content creator na si "Ser Geybin" matapos batikusin ng mga netizen sa isang content na may kinalaman sa isang bata.

Sa nabanggit na video na may pamagat na "Slide" na ngayon ay deleted na“Slide,” makikitang pinaupo at pina-slide nila ng kasama ang isang bata sa isang klase ng upuan, na ayon sa netizens ay hindi naaangkop para sa isang bata.

"HINDI NAKAKATAWA AT HINDI BIRO!!! Ginagamit ninyo ang mga bata sa kagaguhan ninyo. Mga content creators huwag kayo masasanay na BASTA MAG PUBLIC APOLOGY lang ay okay na. Dapat ito maimbestigahan at hindi dapat palampasin," anang Labador.

"Apology accepted palagi at dapat talaga itama. PERO dapat ito mapag tuunan ng pansin. Tinatawagan ko ang karapat dapat na ahensya ng gobyerno para aksyunan ito, oras na para maging accountable ang mga content creators dito sa pinas," dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Nawawalang VMX star na si Karen Lopez, 'nagpahinga' lang

Photo courtesy: Screenshot from Rendon Labador (FB)

Sa sumunod pang post ay ipinaliwanag pa ni Labador na kailangang sitahin ang mga aniya'y "iresponsableng" content creator.

"kung walang sisita, hindi natin maitatama."

"Lumalala na yung pag gawa ng mga iresponsableng content ng mga content creators, siguro oras na para tutukan yung mga ganitong issue. Nakakabahala na at hindi dapat pabayaan lang."

"Anong ahensya ng gobyerno ang dapat umaksyon sa mga ganitong usapin? Gising gising baka natutulog nanaman tayo sa pansitan"

"Yung kay Yanna issue, na aksyunan ng tama. Tumalino ang LTO sa issue na yun at gumalaw talaga sila. Salamat po at mababawasan na ang mga entitled na tao sa public roads. Kung wala kasing sampol walang matatakot at walang matututo," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Rendon Labador (FB)