May 15, 2025

Home BALITA National

ITCZ, easterlies patuloy ang pag-iral sa PH — PAGASA

ITCZ, easterlies patuloy ang pag-iral sa PH — PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa bansa ngayong Huwebes, Mayo 15, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang ITCZ—na tumutukoy sa linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod sa maalinsangang panahon ay inaasaahan namang magdadala ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

Harry Roque, ibinahagi mga posibleng senador na ‘kokontra sa impeachment’ ni VP Sara

Posible rin ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).