May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Angelu De Leon, mas pagbubutihin ang serbisyo sa Pasig

Angelu De Leon, mas pagbubutihin ang serbisyo sa Pasig
Photo Courtesy: Angelu De Leon (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat ang aktres at reelectionist na si Angelu De Leon matapos mangunang konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig.

Sa latest Facebook post ni De Leon nitong Martes, Mayo 13, sinabi ni Angelu na hindi raw niya makakamit ang posisyon kung hindi dahil sa suporta ng mga Pasigueño.

“Buong puso tayong nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin upang magsilbi muli para sa ikalawang termino. Hindi ko ito makakamit kung hindi dahil sa inyong suporta,” saad ni Angelu.

Dagdag pa niya, “Asahan ninyo na mas lalo pa nating pagbubutihin ang Tapat, Gawa, Ina, Serbisyo para sa bawat Pasigueño. Tuloy-tuloy lang ang Pasig sa mabuting paggogobyerno.”

Eleksyon

Bato dela Rosa, nagpasalamat sa natanggap na boto: ‘Sagot ko kayo, itaga n’yo sa bato!’

Samantala, tagumpay si Pasig City Mayor Vico Sotto na maipagpatuloy ang kaniyang ikatlong termino bilang alkalda ng lungsod kasama sina Vice Mayor Dodot Jaworski at Rep. Roman Romulo.

MAKI-BALITA: Vico Sotto at mga kaalyado, wagi sa Pasig