June 09, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pasig bet Sarah Discaya, first time bumoto: 'New experience for me'

Pasig bet Sarah Discaya, first time bumoto: 'New experience for me'
(photo courtesy: IBC TV)

Bumoto sa unang pagkakataon si Pasig City mayoral bet Sarah Discaya ngayong Lunes, Mayo 12 para sa 2025 midterm elections. 

Nagtungo sa Bambang Elementary School si Discaya upang bumoto at sinabi niyang ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay boboto.

"I'm excited, syempre first time. It's also the first time for me to vote so sobrang excited, sobrang new experience for me," saad ng kandidato sa pagka-mayor sa isang ambush interview. 

Inulit pa ng isang mamamahayag kung first time niyang bumoto.

Eleksyon

Benny Abante, nagtakang 'di nanalo sa 2025 midterm elections

"Yes," sagot ni Discaya nang may pagtango. "Kasi ang hirap e. Ilang beses na ako nag-try na mag-register so medyo mahirap. I actually registered sa annex or satellite office ng Comelec kaya ngayon lang ako naka-register."

Samantala, handa naman daw siya sa magiging resulta ng halalan maging sa "disappointments."

"Confident sana, oo, in a way pero syempre you also have to prepare yourself for disappointments. Hindi naman ako yung tao na that always thinks of the pro, you also have to think of cons," ani Discaya. 

Na-enjoy din daw niya ang kampanya bilang baguhan sa politika.