Nagbigay ng paalala ang aktor na si Khalil Ramos sa kaniyang mga kapuwa botante.
Sa isang Instagram story ni Khalil nitong Lunes, Mayo 12, pinag-ingat niya ang mga botante sa pag-iitim ng balota.
“Be extra careful when shading your ballots. I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was,” saad ni Khalil.
Dagdag pa niya, “Sadly, my partylist vote was invalidated due to 'overvoting.' Don't make the same mistake.”
Matatandaang maging ang aktres na si Janice Jurado ay nakaranas din ng halos parehong insidente matapos bumoto sa Quezo City.
MAKI-BALITA: Resibo ng balota ni Janice Jurado, nagkaaberya