May 11, 2025

Home BALITA

PBBM, bumati sa Mother’s day; Sen. Imee, ‘inelbow’ sa picture?

PBBM, bumati sa Mother’s day; Sen. Imee, ‘inelbow’ sa picture?
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Senate of the Philippines/FB

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa lahat ng ina bilang pagdiriwang ng Mother's Day ngayong Linggo, Mayo 11, 2025.

Saad ni PBBM sa kaniyang Facebook post ang pasasalamat at pagkilala para sa lahat ng ilaw ng tahanan.

"Ngayong Mother’s Day, taos-puso kong kinikilala at pinasasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal at pagkalinga," ani PBBM. 

Kasama ng kaniyang maikling mensahe ang larawan na naglalaman ng katagang "Happy mother's day" kung saan kabilang ang kaniyang asawang si First Lady Liza Marcos, dating First Lady Imelda Marcos at kapatid na si Aireen Marcos-Araneta. 

Eleksyon

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino

Bunsod nito, ilang netizens ang pumuna na kapansin-pansin umanong hindi isinama ng Pangulo ang kaniyang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos.

"Tama lang na hindi mo sinama si Imee."

"PBBM ba't wala si Imee?"

"Parang may kulang?"

"Tinakwil na rin si Imee?"

"Si PBBM at Iren ok ang ugali kumpara kay Imee Manotoc."

"Ba't wala si first Sisteret?"

Matatandaang nagsimulang mapansin ng publiko ang lamat sa pagitan ni PBBM at Sen. Imee matapos magkasa ang senadora ng imbestigasyon sa Senado hinggil sa imbestigasyon ng umano'y ilegal na pag_aresto ng administrasyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

Nasundan din ito nang tuluyang pag-alis ng senadora sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas at iendorso ni Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA:  ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee