May 12, 2025

Home SHOWBIZ Events

Ilang ex-PBB celebrity housemates, puwede pang mag-big comeback

Ilang ex-PBB celebrity housemates, puwede pang mag-big comeback
Photo courtesy: GMA Network (FB)

Inanunsyo ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" sa Sunday episode, Mayo 11, na posible pang makapabalik bilang housemate ang mga na-evict na Kapuso at Kapamilya artists.

Ang mga posible pang makabalik na Kapuso stars ay sina Ashley Ortega, Charlie, Fleming, at ang ka-eevict lamang na si Josh Ford.

Para naman sa hanay ng Kapamilya stars, may pagkakataong makabalik sina AC Bonifacio, Kira Balinger, at ang ka-duo ni Josh na si Ralph De Leon.

Hindi naman kabilang sa mga posibleng makabalik ang duo na sina Michael Sager at Emilio Daez.

Events

'Love Scout' star Lee Jun-hyuk may mensahe sa Pinoy fans

Isang Kapuso at isang Kapamilya lamang ang puwedeng makabalik, sa pamamagitan ng online voting.

"Voting is now OPEN para sa mga Kapuso at Kapamilya Ex-Housemates na gusto mong bumalik sa Bahay ni Kuya!" mababasa sa anunsyo ng ABS-CBN at GMA Network.

KAUGNAY NA BALITA: Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya