Isinapubliko na ng aktor na si Jake Ejercito ang anim na kandidatong susuportahan niya sa pagkasenador ngayong 2025 midterm elections.
Sa isang Facebook post ni Jake noong Biyernes, Mayo 9, makikita ang pubmat ng kaniyang mga sinusuportahang kandidato kung saan nakalagay ang mga plataporma ng mga ito.
“Iba naman. Sila naman,” saad ni Jake sa caption.
Ang anim na kandidato sa listahan ni Jake ay sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Heidi Mendoza, Roberto "Ka Dodoy" Ballon, Luke Espiritu, at Sonny Matula.
Matatandaang isa si Jake sa mga artistang bumoboses sa politika. Hayagan niyang sinuportahan sa pagkapangulo si dating Vice President Leni Robredo noong 2022 presidential elections pati ang running mate nitong si Pangilinan.
MAKI-BALITA: Jake Ejercito sa isinilang na ‘movement’ ng Leni-Kiko tandem: ‘Walang pagsisisi sa pakikipaglaban’